DALLAS (AP) – Pinagbabaril ng dalawang sniper ang mga pulis sa Dallas noong Huwebes ng gabi, na ikinamatay ng apat na opisyal at ikinasugat ng pitong iba pa sa mga protesta kaugnay sa pamamaril at pagpatay ng mga pulis sa mga itim, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Dallas Police Chief David Brown na istilong “ambush” ang ginawa ng mga sniper sa mga pulis. Isang sibilyan din ang nasugatan sa barilan. Naaresto ang isang suspek habang isang “person of interest” ang sumuko.

Sumiklab ang barilan dakong 8:45 ng gabi noong Huwebes habang nagtitipon ang daan-daang katao para iprotesta ang pamamaril nitong linggo sa Baton Rouge, Louisiana, at St. Paul, Minnesota.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'