NAGPAHIWATIG ang tatlong miyembro ng Spice Girls na magkakaroon sila ng reunion sa video na kanilang inilabas nitong Biyernes, bilang paggunita sa 20 taon simula sa kanilang debut single na Wannabe na sumikat sa buong mundo.
Pinasalamatan nina Emma Bunton, kilala bilang Baby Spice, Mel B o Scary Spice, at Geri Halliwell (Horner ngayon) na kilala naman bilang Ginger Spice ang kanilang fans sa video na in-upload nila sa YouTube at sa website na Spice Girls GEM.
Hindi kasali sa video ang dalawa pang miyembro ng Spice Girls na sina Victoria Beckham o Posh Spice at Melanie Chisholm o Sporty Spice.
“We hope to tell you soon what you want, what you really really want,” ang nakasulat na mensahe sa video, pagtukoy sa lyrics mula sa Wannabe.
“We want to celebrate and have a party... And when we do, you’re all invited,” sabi ni Mel B na may real name na Melanie Brown, kasama sina Baby and Ginger.
Inilabas ng Spice Girls ang Wannabe noong Hulyo 1996 at bumenta ng mahigit 80 milyong kopya sa buong mundo.
Sinabi ni Eliot Kennedy, songwriter at music producer na dating nagtrabaho sa banda, sa isang British morning television show noong Biyernes na siya ay nasa studio kasana sina Mel B, Horner, at Bunton.
“We wrote a brilliant song and the energy was exactly like it was 20 years ago,” aniya sa Good Morning Britain, at idinagdag na may “massive effect” ang banda sa pop music.
Nang tanungin tungkol sa potensiyal ng ilalabas na kanta, aniya: “Who knows right now. It’s in a bit of state of flux... They’ve got lots of plans.”
Nag-tweet din si Chisholm tanda ng kanilang anibersayo na nagsasabing: “Happy 20th Birthday #Wannabe you haven’t aged a bit”.
Nalungkot ang kanilang milyun-milyong fans nang sabihin ng grupo na magkakaroon sila ng indefinite break at magfo-focus muna ka kani-kanilang sariling careers noong 2000. Muling nabuo ang limang miyembro noong 2012 London Olympics.
(Reuters)