NAKIPAG-USAP ang foreign minister ng China kay United States Secretary of State John Kerry sa telepono ilang araw bago ilabas ng pandaigdigang korte ang desisyon nito sa pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea, at nagbabala sa Washington laban sa anumang pagkilos na lalabag sa soberanya ng China.

Ito ang iniulat kahapon ng Xinhua, ang opisyal na ahensiya ng pagbabalita sa China.

Iniulat ng Xinhua na muling binigyang-diin ni Wang Yi ang paninindigan ng China na walang hurisdiksiyon ang International Court of Arbitration sa kasong idinulog ng Pilipinas laban sa pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea—na tinatawag din nating West Philippine Sea—at tinagurian itong “farce” na dapat nang tuldukan.

Nakatakdang ilabas ng korte, na nakabase sa The Hague, sa Martes ang desisyon nito sa kontrobersiyal na kaso, na nagpatindi sa pangamba ng kumprontasyon sa rehiyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ng mga opisyal ng Amerika na sakaling manindigan ang China na balewalain ang magiging desisyon sa kaso, kabilang sa mga magiging tugon ng United States ang pagpapaigting ng freedom-of-navigation patrol malapit sa mga islang inaangkin ng China sa isa sa pinakaabalang rutang pangkalakalan sa mundo.

Sa panawagang pinangunahan ni Kerry, si Wang “urged the United States to honor its commitment to not take sides on issues related to sovereign disputes, to be prudent with its actions and words, and not to take any actions that infringe upon the sovereignty and security interests of China,” anang Xinhua.

Sinabi ni Wang na anuman ang maging desisyon ng arbitral tribunal, ang China “[would] firmly safeguard its own territorial sovereignty and legitimate maritime rights and firmly safeguard the peace and stability.”

Ayon pa kay Wang, maayos ang ugnayan ng China at United States at dapat na higit pang tutukan ng dalawang bansa ang pagtutulungan habang tinutugunan ang kani-kanilang pagkakaiba.

Kinumpirma naman ng U.S. State Department na nakausap ni Kerry sa telepono si Wang.

“The two discussed issues of mutual interest. We are not going to get into the details on this private diplomatic conversation,” sabi ni State Department Spokeswoman Gabrielle Price.

Ikinagalit ng China ang pagpapatrulya ng Amerika sa South China Sea sa nakalipas na mga buwan at nitong Martes ay naglunsad ang Defense Ministry ng tinagurian nitong “routine” military drills sa lugar.

Nitong Martes, sinikap ng China na pakalmahin ang matinding pangamba sa agawan sa teritoryo sa South China Sea matapos na imungkahi ng maimpluwensiyang pahayagan ng gobyerno na dapat na maghanda na ang China sa kumprontasyong militar kaugnay ng ilalabas na desisyon ng arbitral tribunal.

Sinabi ng mga opisyal ng Amerika na nangangamba sila sa posibilidad na magdeklara ang China ng air defense identification zone sa South China Sea kapag hindi pumabor dito ang desisyon ng korte, gaya ng ginawa nito sa East China Sea noong 2013, at sa higit na pagpupursige sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla sa lugar. (Reuters)