NORRISTOWN, Pa. (Reuters) – Hindi kinatigan ng hukom sa Pennsylvania ang mga pagsisikap ni Bill Cosby upang maibasura ang mga kaso ng panggagahasa laban sa kanya, kaya nararapat lamang na humarap sa paglilitis ang 78 taong gulang na komedyante.
Hindi tinanggap ni Judge Steven O’Neill ang mga argumento ng abogado ni Cosby, na nilabag daw ng mga tagausig ang karapatan ni Cosby upang ipatawag ang biktima para tumestigo sa unang pandinig noong Mayo, dulot ng pagprotekta sa biktima mula sa cross-examination.
“This case shall proceed to trial on those counts,” pahayag ni O’Neill bilang konklusyon sa tatlong oras na pandinig sa Montgomery County Court of Common Pleas.
Nahaharap Cosby, na kilala bilang isa sa pinakaminamahal na U.S. entertainer, sa kabi-kabilang akusasyon ng panggagahasa maraming dekada na ang nakararaan. Ang kaso sa Pennsylvania ang tanging kasong kriminal laban sa kanya, dulot na rin sa napakatagal na ng iba pang mga alegasyon para ikaso pa sa kanya.
Habang naka-pinstrip tan jacket at naglalakad na may baston, itinanggi ni Cosby ang mga paratang sa kanya noong Martes at sinabing may permiso ang naganap sa kanila ni Constand.
“Today someone who has given so much to so many had his constitutional rights trampled once again,“ pahayag ni Brian McMonagle, abogado ni Cosby matapos ang ruling ni O’Neill. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)