Gerry Baja (1) copy

NADAGDAGAN ng ipagdiriwang ang DZMM Radyo Patrol 630, pagkatapos tanghaling Radio Station on the Year ng Rotary Club of Manila (RCM) sa ginanap na Journalism Awards noong Hunyo 30. Ito ang ikalawang sunod na taong pagtanggap ng flagship AM radio station ng ABS-CBN sa karangalang ito mula sa RCM.

Kasalukuyan ding ginugunita ng DZMM, ang numero unong AM radio station sa Mega Manila, ang ika-30 taong anibersaryo nito ngayong taon.

Nasungkit din ng ABS-CBN ang tatlo pang tropeo para maging pinakapinarangalang news organization sa ginawang awards ngayong taon. 

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Si Gus Abelgas ng SOCO: Scene of the Crime Operatives ang tinanghal na Television Male Broadcaster of the Year, samantalang ang Dos Por Dos anchor na si Gerry Baja naman ang Radio Broadcaster of the Year. Ang kapwa niya DZMM anchor at reporter na si Jasmin Romero naman ang Radio Female Broadcaster of the Year.

Ayon sa ratings data mula sa Kantar Media, hindi matinag ang crime investigative program ni Abelgas sa timeslot nito sa paglalayong gabayan ang mga Pilipino kung paano iingatan ang sarili at pamilya base sa mga inilalahad nilang krimen. Si Baja naman, walang takot na nagbibigay impormasyon at komentaryo sa mga isyu sa kanyang radio program.

Samantalang si Romero, na unang nakilala sa radyo at lumalabas din sa TV, ang pinakamagaling na female radio broadcaster.

Patuloy ang ebolusyon ng DZMM na tatlong dekada nang nangunguna sa balita at public service. Para maabot ang mas maraming Pilipino, una ang DZMM sa pagpapalabas ng mga programa nito sa TV sa pamamagitan ng DZMM TeleRadyo sa SkyCable at ABS-CBN TVplus. Mayroon din itong audio streaming sawww.dzmm.com.ph at naghahatid din ng news updates sa Twitter at Facebook (@DZMM TeleRadyo).

Sinundan ng mga panalong ito ang matagumpay na Inauguration Day coverage ng ABS-CBN na Ang Panunumpa: Pangako ng Pagbabago, na mas mataas ang nakuhang ratings ayon sa Kantar Media. Nakakuha ang ABS-CBN ng 18.8% national TV rating samantalang 13.4% lang ang nakuha ng GMA. 

Ang Rotary Club of Manila Journalism Awards, na nagsimula pa noong 1966, ay isa sa pinakauna at pinakaprestihiyosong award-giving bodies sa larangan ng Journalism.