BANGUED, Abra – Dalawang mataas na opisyal ng Abra Provincial Police Office, ang sinibak sa puwesto kaugnay sa mga insidente ng pamamaril at kakulangan ng implementasyon na masugpo ang ilegal na droga sa lalawigan.

Binisita ni Chief Supt. Elmo Sarona, acting regional director ng Police Regional Office - Cordillera, noong Miyerkules ang pinakamagulong lalawigan sa rehiyon at pinangasiwaan ang turnover ceremony kay incoming provincial director Superintendent Mark Pespes, kapalit ni Senior Supt. Antonio Bartolome.

Sumunod nito, ay pinalitan ni Chief Insp. John Cayat si Senior Insp. Eddie Bagto, bilang chief of police ng Bangued Municipal Police Station, ang kabisera ng Abra.

Ayon kay Sarona, ang pagsibak kina Bartolome at Bagto ay may kinalaman sa mga naganap na shooting incident, ilang araw matapos maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ang usaping ito ay idinaan sa tamang proseso at evaluation sa kapasidad ng dalawang hepe at napagdesisyunan ang kanilang replacement,” pahayag ni Sarona.

Inatasan din Sarona ang 27 chief of police ng Abra, kabilang ang buong rehiyon at lungsod ng Baguio, na magsumite ng accomplishment sa criminality at illegal drugs hanggang sa Hulyo 30.

Ang mga provincial/city director naman ay binigyan ng hanggang Agosto 30 para magsumite ng accomplishment report sa illegal drugs at criminality.

“Habang maaga ay mag-resign na lamang kung hindi magagampanan ito at ibigay natin sa ibang opisyal na handang gampanan ang mga kautusang ito. Pasensyahan na lang kung masisibak sa puwesto,” wika ni Sarona. (Rizaldy Comanda)