MIAMI (AP) — Magbabalik na sa kanyang tahanan si Dwyane Wade, ngunit hindi sa kanyang mansion sa South beach kundi sa kinalakihang playground ng Chicago.

Sa isang madamdaming desisyon, ipinahayag ng NBA two-time champion na tinatapos na niya ang 13 taong serbisyo sa Miami Heat para sumapi sa Chicago Bulls.

Tinanggap ni Wade ang alok na dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $43 million. Inalok ng Miami siWade na manatili sa halagang $40 million.

“This was not an easy decision, but I feel I have made the right choice for myself and my family,” pahayag ni Wade sa sulat na ipinadala sa Heat at sa Associated Press.

“Watching the Bulls growing up inspired me at an early age to pursue my dream of becoming a basketball player,” sambit ni Wade.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

“I have never forgotten where I came from and I am thankful to have an opportunity to play for the team that first fueled my love of the game,” aniya.