Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang voters’ registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Sa ipinalabas na resolusyon ng Comelec en banc, nabatid na ang dalawang linggong voters registration ay sisimulan sa Hulyo 15 at magtatapos sa Hulyo 30.

Batay sa inilabas na guidelines ng Comelec, kinakailangang personal na magtungo ang mga nais magsumite ng aplikasyon o magpatala sa mga tanggapan ng election officer sa kanilang lugar, mula 8:00 ng umaga hanggang ng 5:00 ng hapon, sa mga nasabing petsa, kabilang ang Sabado at Linggo, maging holiday.

Bukas ang pagpaparehistro sa mga first-time voter, gayundin sa mga na-deactivate ang registration dahil sa hindi pagboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon. (Mary Ann Santiago)

Matapos bantaang ibabala sa kanyon vs. China: PCG spox Tarriela, bumwelta kay Rep. Marcoleta