LOBO, Batangas – Bumulagta sa kalsada ang isang 47-anyos na pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Lobo, Batangas.

Dead-on-arrival sa Lobo Municipal District Hospital si Edwin Lontoc matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa report ni PO2 Jimwel Lualhati, dakong 7:10 ng umaga nitong Hulyo 5, naglalakad ang biktima pauwi nang pagbabarilin sa Barangay Masaguitsit.

Sakay umano ang mga suspek sa asul na motorsiklo at kapwa nakasuot ng helmet.

Probinsya

KILALANIN: Si Kingston Ralph Cheng, ang 23-anyos negosyanteng nasawi sa hit-and-run

Nabatid sa pulisya na si Lontoc ay ikatlong drug personality sa Lobo.

Marso 2015 nang naaresto si Lontoc sa raid ng pulisya, at pansamantalang nakalalaya matapos magpiyansa. (Lyka Manalo)