NAGPATULOY ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa ratings sa telebisyon noong Hunyo ayon sa pinakahuling viewership survey data mula sa Kantar Media.

Tumaas ang national audience share ng ABS-CBN na pumalo ng 47% sa nakaraang buwan habang 32% naman ang nakuha ng GMA.

Okupado ng Kapamilya shows ang Top 10 programs ng Hunyo, katunayan na ang ABS-CBN pa rin ang pinakapinapanood na TV network sa bansa. Nangunguna rin ng Kapamilya Network sa pagpapalabas ng mga programa sa Internet sa pamamagitan ng video-on-demand websites nito na TFC.tv sa ibang bansa at iWant TV dito sa Pilipinas.

Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa urban at sa rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos.

Tsika at Intriga

Gums to gums? Mag-asawa, 'naghigupan' nang live sa Unang Hirit

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas.

Sa kabila ng mataas ng TV ratings, ABS-CBN din ang nangunguna sa paghatid ng online content bilang tugon sa mas dumadalas na panonood ng mga Pilipino gamit ang Internet. ABS-CBN ang nagpasimula nito sa bansa sa pamamagitan ng iWant TV at ABS-CBN mobile, samantalang sa TFC.tv naman nakapapanood ang mga Overseas Filipinos. Ang malakas na presensya ng ABS-CBN online ay alinsunod sa layunin nitong maging isang digital company na nakakapaghatid ng content at serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms tulad ng digital television nitong ABS-CBN TVplus at sarili nitong mobile brand na ABS-CBN mobile.

Nananatiling hari ng primetime ang Dos, sa pigurang 49% laban sa 31% ng kalabang istasyon, pagdating sa average audience share. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito pinakamarami ang nanonood kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng mga patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Labing-isang palabas ng ABS-CBN ang pasok sa Top 10 highest-rating programs ng Hunyo, sa pangunguna ng FPJ’s Ang Probinsyano (42.2%), na sinundan ng The Voice Kids (36.8%), Dolce Amore (33.7%), Maalaala Mo

Kaya (33.5%), Wansapanataym (31.1%), TV Patrol (30.2%), Goin’ Bulilit (23.8%), Home Sweetie Home (23.2%), Rated K (20.8%), at ang nagtapos na The Story of Us (19.8%). Pasok din sa Top 10 ang paghatid ng NBA Finals ng NBA sa ABS-CBN na nakakuha ng 22.6% na rating.

Samantala, numero uno pa rin sa daytime ang Be My Lady (18.6%), at wagi rin ang It’s Showtime (18.2%) laban sa Eat Bulaga (12.9%).

Nagningning din ang Kapamilya Gold sa afternoon block na nakakuha ng 45% nationwide rating laban sa 33% ng GMA, sa likod ng magandang ratings ng Doble Kara (17.1%) at Tubig at Langis (15.1%).

Tinutukan din ng bayan ang Inauguration Day coverage na Ang Panunumpa: Pangako ng Pagbabago, na kumabig ng 18.8% laban sa 13.4% ng GMA.