duterte copy

Parker, saludo sa Gilas; Philippine Sports, pinatunayang hindi maiiwan kay Duterte.

Hindi man nagtagumpay sa laro, natamo ng Gilas Pilipinas ang pinakamalaking panalo sa kasalukuyang FIBA Olympic Qualifying Tournament— ang respeto.

Mismong si French team captain Tony Parker, isa sa itinuturing na pinakamahusay na point guard sa NBA at future Hall-of-Famer, ang sumaludo at nagbigay ng paghanga sa ipinakitang tapang at gilas ng Pinoy cagers.

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

“They were pretty good, they were very aggressive, they tried to make stuff happen,” pahayag ni Parker sa post-game interview.

“They were very aggressive going to the basket and creating shots for their teammates. They played pretty well.”

Tangan ang dalawang NBA title at minsan na ring itinanghal na MVP sa European League, inaasahang matitigagal, hindi man ma-starstruck, ang Gilas sa presensiya ni Parker.

Ngunit, hindi dinaga ang Gilas at sa kabila ng maigsing panahon nang paghahanda at pagsasama-sama, nagawang pakabahin ang French sa double digit na bentahe sa kaagahan ng laro.

“They made it tough for us,” pag-aamin ni Parker.“They played with a lot energy, you have to give a lot of credit to them. They played a great game,” aniya.

Kung saan kinuha ng Gilas ang tapang, ang presensiya ni Pangulong Duterte ang tila nag-udyok sa Pinoy cagers na lumaban ng todo – patay kung patay.

“Ang sarap lang ng pakiramdam at talagang nakaka-proud na nandun ‘yung Presidente natin na sumusuporta sa team,”pahayag ni Junemar Fajardo.

“Talagang nakakatuwa na dumating siya para ipakita ang suporta sa team,” giit naman ni Marc Pingris.

Malaking inspirasyon ang ibinigay ni Duterte sa pambansang koponan.

Dumagundong ang hiyawan na ‘Duterte, Duterte, Duterte’ nang mahigit 20,000 tagahanga na dumagsa sa MOA Arena para suportahan ang Gilas sa kampanya na makasikwat ng slot para sa Rio Olympics.

Tunay na do-or-die na ang laban ng Gilas kontra sa Tall Black New Zealand para manatiling buhay ang pag-asa ng sambayanan.

“Yung panonood ni Presidente, malaking bagay yung para sa katulad naming nagsisilbi rin sa bansa,” ayon kay Ranidel de Ocampo.

“Hindi siya katulad ng ibang presidente na pag championship lang dumadating. Siya simula pa lang andun na, ramdam mo na agad yung suporta. Talagang sa pamahalaan ni Digong, hindi mapapabayaan ang Philippine sports,” aniya.

(Marivic Awitan)