Nakisalo sa liderato ang Full Blast DigiComms habang nakamit ng Philippine Sports Commission ang unang panalo sa 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament nitong Lunes, sa Rizal Memorial Coliseum.

Naisalpak ni Rod Manalon ang krusyal free throw sa huling anim na segundo para basagin ang 51-all at gabayan ang PSC sa 53-51 panalo kontra Poker King Club.

Sinamantala naman ng Full Blast DigiComms ang kakulangan sa player ng TV5 para maitarak ang 83-70 panalo sa torneo na hangad makatulong sa pagkalap ng pondo para sa pagpapagamot ni Bandera sports reporter Mike Lee.

Dalawang koponan ang nagnanais sumali sa torneo na suportado ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE, kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Kabilang sa pioneer na kasali sa liga ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Poker King Club, PAGCOR A, Full Blast Digicomms/Sporthunk, Sportswriters, at ang TV5.

Isinasagawa ang mga laro kada Lunes, Miyerkules at Biyernes. (Angie Oredo)