Binago at ibinaba ng mga economic manager ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang economic growth target ng bansa ngayong taon dahil sa mahinang public spending, tampering sa election expenditures at mas mabagal na agriculture output.

Nagpasya ang inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ibaba ang gross domestic product (GDP) growth target range mula 6.8 porsiyento at 7.8 porsiyento sa 6.0 porsiyento hanggang sa 7.0 porsiyento.

Ibinaba rin ng cabinet level inter-agency body ang growth target nito sa 2017 sa 6.5% at 7.5% mula sa 6.6% hanggang 7.6% na itinakda ng nagdaang administrasyon.

Umaasa ang administrasyong Duterte na lalago ang ekonomiya sa 7.0% hanggang 8.0% mula 2018 hanggang 2022.

Tsika at Intriga

Gums to gums? Mag-asawa, 'naghigupan' nang live sa Unang Hirit

“This [economic assumption] is consistent with the strategy of the government to boost infrastructure spending,” sabi ni Budget Secretary Benjamin E. Diokno, na siya ring chairman ng DBCC. (Chino Leyco)