Yassi at Jinri copy

SA Ho Chi Minh City, Vietnam ang bagong bahay na titirhan ng napiling housemates ng Pinoy Big Brother Season 7 na magbubukas na sa Lunes, Hulyo 11.

Papalitan ng PBB7 ang Jane The Virgin na umeere mula Lunes hanggang Biyernes at ang We Love OPM na napapanood naman tuwing Sabado at Linggo.

Ang ilan sa celebrities na lumipad na patungong Vietnam ay sina Yassi Pressman (Viva artist), Nikko Natividad (“Gandang Lalaki” winner ng It’s Showtime), at Hashtag member McKoy de Leon.

ALAMIN: Sino si Nicholas Kaufman na tatayong lead counsel ni FPRRD sa ICC?

Hindi pinayagang makalipad sina Juan Karlos Labajo, Jinri Park at hunk housemate dahil nagkaroon daw ng problema sa immigration cards at visa.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, walang ideya ang celebrity housemates kung saan sila patungo dahil blindfolded sila, nakasuot ng hood at naka-earphone pero alam nilang sumakay sila ng eroplano.

Sa panayam ng TV Patrol kay ABS-CBN Head of TV Production division na si Direk Laurenti Dyogi at nasa likod ng success ng PBB, sa ibang bansa gagawin ang Season 7 para maiba naman ang mapanood ng viewers.

“Sa tagal na natin sa ere, eh, medyo nakabisado na ng mga viewers, ng ating housemates. Gusto rin natin ng isang lugar na kahit sa history natin ay may relationship, there were Vietnamese refugees in Palawan and marami tayong similarities tulad na lang sa prutas at sa temparatura,” pahayag ni Direk Laurenti. (REGGEE BONOAN)