Mula sa pagiging boxing champion, lumipat sa mixed martial arts si Benguet-native Jujeath Nagaowa. At sa matikas na 2-0 record sa international MMA promotions, ang 25-anyos ang mukha ng kababaihan sa ilulunsad na World Series of Fighting Global (WSOF Global).

Sasabak sa main event si Nagaowa sa unang promotional fight – WSOF GC3’s Philippine vs The World Fight -- ng Las Vegas-based MMA promotions sa Hulyo 30, sa Smart Araneta Coliseum.

Napukaw ni Nagaowa ang atensiyon ng MMA fans sa kanyang impresibong kampanya bilang pro fighter. Sa WSOF, higit na hahangaan ang Pinay sa kanyang pagsabak sa main event.

Bilang boxer, nakopo ni Nagaowa ang Women’s International Boxing Association (WIBA) light flyweight division, gayundin ang WBC Asian Boxing Council Female Atomweight.

Biathlon Olympian, binuking panloloko niya sa jowa niya sa post-game interview

“I’m more than ready, I’ve been waiting to stage a comeback. Buong puso ko at buong isip ko ibibigay ko sa laban na ito. Gusto ko ipakita sa kababayan natin na kaya ng Pilipina na lumaban sa mag taga ibang bansa,” pahayag ni Nagaowa.

Makakaharap niya si Japanese MMA star Yuko Kiryu.

Ayon kay Las Vegas-based Filipina Dunessa Hesser, may-ari at chief executive ng WSOF GC, plano niyang isabak si Nagaowa at iba pang Pinoy fighter sa malalaking torneo sa abroad tulad ng Argentina, South Africa, Italy at Australia.

“The Philippines is known very well for combat sports and Filipino fans are very passionate. Despite that, very few Philippine MMA fighters have gained global recognition. We hope to change that by promoting them not only on events in the Philippines, but international events as well,” pahayag ni Hesser, tubong Escalante, Bacolod.

Nakatakdang magbigay ng P1 milyon ang WSOF GC sa isang raffle sa gabi ng laban, sa Hulyo 30, sa Araneta Coliseum.

Puwede nang makabili ng ticket sa Big Dome, gayundin sa one line sa http://ticketnet.com.ph/WSOF-GC3-Philippines--Smart-Araneta-Coliseum/EventDetails/431.