LONDON (AP) — Sa delikadong sitwasyon, tunay na may maasahan si British tennis star Andy Murray.
Sa pagbubunyi ng local crowd, nakakuha ng dagdag na kumpiyansa ang No.2 seed para madispatsa si American Jo-Wilfried Tsonga, 7-6 (10), 6-1, 3-6, 4-6, 6-1, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para makausad sa semifinal ng men’s single ng Wimbledon Tennis Championship sa All-Englnad Club.
“That’s why it’s important to try to use the crowd, if you can, to your advantage, because they do make a difference,” sambit ni Murray, naitala ang ikaanim na sunod na panalo sa five-set match. “In long matches, tough matches, even if it’s half a percent difference, it’s good.”
Itinuturing na bayani si Murray nang tanghaling kauna-unahang Briton mula nang magkampeon si Fred Perry noong 1936 na nagwagi sa Wimbledon noong 2013. Ngunit, mula noon hindi pa nagwawagi sa major tournament si Murray na natalo kay Novak Djokovic sa Australian Open at French Open finals ngayong taon.
Sibak na si Djokovic, subalit kailangang magapi niya si Tomas Berdych sa semifinals sa Biyernes (Sabado sa Manila), para makamit ang pagkakataon sa ikalawang Wimby title.
Magtutuos sa hiwalay na semis duel sina 17-time Grand Slam winner Roger Federer at Milos Raonic.
“I think it can give you a bit of confidence. It can help to go through games and stages in matches that are challenging,” pahayag ni Murray.
“If you’re in that position in the next couple of matches, you know you’ve been there.”