Kylie copy

PRESSURE kina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia na sa apat na Sang’gre ng Encantadia, tila kay Glaiza de Castro pa lang bilib ang televiewers. Ang ibang Encantadiks (tawag sa fans ng fantaserye), nagdududa pa sa kakayahan ng tatlo na magampanan ang role na ibinigay sa kanila.

Kahit nga si Kylie na bagay sa role ni Amihan dahil may background sa martial arts at nag-training pa ng arnis, pinagdududahan pa rin kung makakayang gampanan ang role ni Amihan. Nasaktan si Kylie sa isang write up na sinabing hindi siya bagay maging Amihan dahil kulang siya sa acting at ikinumpara pa kay Iza Calzado, ang original Amihan.

Sinagot ni Kylie sa social media ang reporter.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Sa isang interview kay Kylie, binanggit na tuwang-tuwa ang amang si Robin Padilla sa pagkakasali niya sa Encantadia.

Nabanggit din ni Kylie na parang inihanda siya ng ama para sa fantaserye dahil bata pa lang siya, sinanay na siya sa martial arts. Kaya madali niyang nagawa ang fight at action scenes na kailangang gawin ng karakter niyang si Amihan.

Nag-audition pala si Aljur Abrenica sa Encantadia at pinuntirya ang role ni Ybarro. Hindi nga lang siya nakapasa na pinanghihinayangan ng fans nila ni Kylie. Chance na sanang magkatrabaho at magkapareha ang mag-ex, nabuliyaso pa.

Samatala, maganda ang ginagawa ni Direk Mark Reyes na sumama sa mall tour ng Encantadia sa Davao at Cebu dahil nasasagot niya ang mga tanong tungkol sa kung paano ang pagdidirehe niya ng fantaserye pati na ang mga tanong sa aspetong teknikal. (Nitz Miralles)