Kris copy

NAKAKUHA kami ng impormasyon tungkol kay Kris Aquino na hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakikipag-meeting sa ABS-CBN management. So hindi pa napag-uusapan kung ano ang next project niya sa Kapamiya Network.

 

Binanggit namin sa aming kausap na travel show ang gusto at planong ibigay sa Queen of All Media.

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

 

“Ah, talaga? Eh, wala namang sinasabi pa, wala ring tawag pa kay Kris,” sabi ng aming source.

 

Sabagay, Hulyo na ngayon at tinatawag na ghost month ang buwan ng Agosto kaya siguro hindi pa kinakausap si Kris ay dahil palilipasin ang nasabing buwan.

 

Kung sabagay, mabuti na rin para patuloy na makapagpahinga si Kris kahit busy rin naman siya sa mga itinayo niyang negosyo na ngayon lang niya napagbubuhusan ng sapat na panahon. (Reggee Bonoan)