Hulyo 7, 1912 nang maging kampeon ang atletang si Jim Thorpe ng pentathlon sport sa Summer Olympic Games na idinaos sa Stockholm, Sweden.

Nakamit niya ang ikatlong puwesto sa javelin throw; at unang puwesto sa board jump, discus throw, 200-meter sprint, at ang 1,500-meter run, dahilan upang masungkit niya ang gintong medalya.

Ngunit makalipas ang ilang buwan, nadiskubre ni Roy Johnson, manunulat ng Worcester Telegram, na si Thorpe ay naglaro ng may bayad, pero pinagdiinan ni Thorpe na wala siyang kinalaman dito. Nagsimula ang amateur status ni Thorpe, kasama ang dalawa pang Olympic gold medal, noong Enero 1913.

Isinilang noong 1880, pinangalanan si Thorpe ng “Wa-Ho-Thuck” (bright path) ng kanyang ina, at isinali sa track team ng Carlisle Indian school noong circa 1908. Pinayagan si Thorpe ng sikat na coach na si Pop Warner na mag-try out sa kanilang football team, at agad na nasali bilang running back.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na