BAGHDAD (AFP) – Isinumite ng interior minister ng Iraq ang kanyang pagbibitiw nitong Martes habang nagsusumikap ang mga awtoridad na mapigilan ang fallout mula sa pambobomba sa Baghdad ng grupong Islamic State na ikinamatay na ng 250 katao at nagbunsod ng malawakang galit.
Inanunsiyo ng mga opisyal ang bagong security measures, pagkapatay ng limang convict at pagkaaresto ng 40 jihadist kasunod ng pambobomba sa Karrada district noong Linggo ng umaga.
“I placed my resignation before the prime minister,” sabi ni Mohammed Ghabban sa isang news conference, ngunit hindi pa malinaw kung ito ay tatanggapin, at maaari pa siyang manatili sa puwesto.