CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang armadong lalaki ang napatay matapos siyang gantihan ng putok ng bise alkalde na binaril niya sa Sitio Poblacion, Barangay Adams sa bayan ng Adams, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office, ang nasugatan na si Vice Mayor Eric Bawingan, 45, dating alkalde ng Adams.

Napatay ng bise alkalde si Jun Valencia, ng Sitio Malaggao, Bgy. Adams.

Ayon sa report, dakong 9:00 ng gabi at kausap ng bise alkalde ang kanyang mga anak habang nanonood ng telebisyon nang biglang sumulpot ang suspek at binaril siya gamit ang isang .9mm.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Bagamat natamaan sa ibabang bahagi ng dibdib, nagawang makakuha ng opisyal ng isang M-16 armalite at gumanti ng putok sa suspek. (Freddie G. Lazaro)