Sama-samang ipinagdiwang ng mga Pilipinong Muslim ang Eid'l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan sa Rizal Park sa Ermita, Manila nitong Miyerkules.

Bago sumikat ang araw ay nagtipun-tipon sa parke ang pami-pamilyang Muslim para sa selebrasyon. Sinimulan nila ang pagdiriwang sa pamamagitan ng panalangin bago ang masaganang pagsalu-salo.

Ang pagtatapos ng Ramadan ay isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga Muslim matapos ang isang buwang pag-aayuno sa umaga.

Naging pambihirang pagkakataon ang pag-obserba ng Ramadan ngayong taon dahil tumagal ng 30 araw ang pag-aayuno, na kadalasan inaabot lamang ng 29 na araw.

Eleksyon

Philip Salvador, nagpasalamat sa mga bumoto sa kaniya: 'Tuloy ang malasakit!'

Unang inanunsyo ni Moro Grand Mufti Abu Huraira Udasan sa mga Pilipinong Muslim noong Lunes na ipagdiriwang nila ang Eid’l Fitr sa Hulyo 6 dahil hindi nakita ng Southeast Asian network of astronomical observers ang crescent moon nang gabing iyon.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinong Muslim na makipagkaisa sa iba pang mga Pilipino upang matamo ang pangmatagalang kapayapaan, katatagan sa politika at paglago ng ekonomiya.

Sinabi ni Duterte na napapanahon at nauugnay ang selebrasyon ngayong taon sa pagkakaroon ng bagong administrasyon ng bansa.

“The Filipino nation starts a fresh move towards peace, stability, development and progress under a new leadership.

Definitely, we view the new administration with high hope and sustained enthusiasm that, with the support and cooperation of every Filipino, it will propel our country to greater heights,” aniya.

Umaasa ang Pangulo na ang disiplinang inobserba sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan ay huhubog sa mga Muslim at hihikayat sa kanilang mga komunidad na makipagkaisa sa iba pang mga Pilipino.

“I extend my warm greetings and felicitations to the members of the Muslim Ummah (mga komunidad), as they celebrate today Eid’l Fitr or the culmination of the month-long observance and fasting of the Holy Month of Ramadhan,” aniya.

Binanggit ng Chief Executive na ang pag-aayuno sa panahon ng Ramadan ang isa sa limang haligi ng Islam.

“As everybody knows, fasting during Ramadan teaches discipline. It instills in one’s mind and heart the virtues of honesty, sincerity and commitment to his faith. It promotes understanding, peace, sympathy and love for fellow human beings,” aniya. (Mary Ann Santiago at PNA)