CABIAO, Nueva Ecija - Natagpuang patay ang isang 37-anyos na lalaki makaraang dukutin ng limang lalaki sa kanilang bahay habang nanonood ng telebisyon sa Purok I, Barangay Bagong Sicat sa bayang ito, nitong Lunes ng gabi.

Ang biktima ng pagdukot at pagpaslang ay nakilalang si Jessie Junarez Y Garcia, may asawa, residente ng Bgy. Luyos, San Antonio, Nueva Ecija.

Dakong 9:00 ng gabi nitong Lunes nang dukutin si Junarez at natagpuan kinabukasan na may tama ng bala sa ulo habang nakagapos ang mga paa at kamay.

Batay sa record ng pulisya, si Junarez ay nasa drug watch list ng lalawigan, at isinasangkot sa pagbebenta ng droga.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

'Personal na tulong ko ito!' Rep. Leviste, mamamahagi ng 1M sako ng bigas sa Batangas