MONCADA, Tarlac - Pansamantalang nakadetine ngayon sa pulisya ang isang 18-anyos na lalaki matapos niya umanong halayin ang isang dalagitang out-of-school sa Barangay Camangaan West, Moncada, Tarlac.

Napag-alaman sa imbestigasyon ni PO2 Emelyn Zalun na nangyari ang pang-aabuso dakong 10:30 ng gabi nitong Lunes, habang pauwi ang 15-anyos na biktima.

Nang mag-follow up sa kaso ang mga pulis ay nagawa nilang madakip ang suspek sa Bgy. Camangaan West, Moncada, Tarlac.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!