Para kay Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, higit na magiging madali at mabilis ang pagbabago sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng pagtitipon ng Kamara at Senado bilang isang Constituent Assembly (Con-As).

Sa House Joint Resolution No. 2, sinabi ni Benitez na ang Constituent Assembly ang pinakamablis na paraan at kaunti lang ang gastos upang amyendahan ang Konstitusyon para baguhin ang porma ng gobyerno tungo sa pederalismo, tulad ng nais ni Pangulong Duterte. “Constitutional Assembly is the most expeditious and less costly than the other modes of Charter change,” ani Benitez.

Ang dalawa pang paraan ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention at People’s Initiatives. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya