CHARLOTTE (AFP) – Walang inirekomendang kaso ang Federal Bureau of Investigation noong Martes laban sa paggamit ni Hillary Clinton ng email habang siya ay secretary of state, inalis ang bigat ng pasanin sa presumptive Democratic nominee habang nangangampanya ito kasama si Barack Obama sa unang pagkakataon.
Ngunit sinabi sa FBI assessment na naging “extremely careless” si Clinton sa pagpadala ng classified information gamit ang kanyang personal email account.