LONDON (AP) — Hindi na mabilang ni Venus Williams ang kabiguan sa Grand Slam event. At sa edad na 36, ang makaabot sa Final Four ay mistulang pedestal na sa seven-time major champion.
Matapos ang walong taon na pakikibaka sa iba’t ibang injury at personal na isyu, muling nakatikim ng pagkakataon sa final four si Williams – una mula noong 2009 Wimbledon at sa anumang major event – nang gapiin si Yaroslava Shvedova 7-6 (5), 6-2 sa quarterfinals nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
“Semifinals feels good. But it doesn’t feel foreign at all, let’s put it that way,” sambit ni Williams, nakamit ang unang titulo sa Wimby noong 2000 at naulit lamang noong 2008.
“I don’t remember. Six years ago is ages ago,” aniya sa katanungan ng level ng kanyang laro sa kasalukuyan. “I was most likely kicking butt six years ago, if I was in the semis or the finals. You have to be.”
Tulad ng mga nakalipas na major tournament, makakasama ni Williams sa semifinals ang nakababatang kapatid na si Serena, lumapit sa hangaring pantayan ang Open era record ni Steffi Graf na ika-22 Grand Slam championship nang pataubin ang 21st-seeded na si Anastasia Pavlyuchenkova 6-4, 6-4.
Naitala ni Serena ang 11 ace, kabilang ang isa na may bilis na 123 mph.
Ito ang ika-11 pagkakataon na kapwa umusad sa semifinals ng major championship ang magkapatid na nagmula sa Compton, California. Sa 11 pagkakataon, nagkaharap ang magkapatid sa apat na Wimby finals kung saan napagwagian ni Venus ang 2008 edition, habang naiuwi ni Serena ang 2002, 2003 at 2009 trophy.
Posibleng magkaharap silang muli sa finals ngayong taon kung malulusutan ng No.1 seed na si Serena si unseeded Elena Vesnina, habang mapapalaban ang No. 8 na si Venus kay No. 4 Angelique Kerber.