????????????????????????????????????
????????????????????????????????????

PRIZED possession ng GMA-7 si Jennylyn Mercado kaya hindi pumayag ang kanilang management na mapunta siya sa ibang network.

Simula nang mag-expire last May ang contract niya sa Kapuso Network, na nagatungan pa ng paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema, ilang buwan nang usap-usapan sa showbiz circles na lilipat siya sa ABS-CBN.

Pero walang offer na kontrata sa kanya ang Dos, ito ang confidential information na ibinigay ng isang ABS-CBN executive na tinanong namin nang lumabas ang naturang isyu.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kaya nitong nakaraang Lunes, muli nang pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 si Jennylyn.

“Tingnan n’yo ang aking smile, ear to ear,” wika ni GMA Chairman Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon sa contract signing. “Sapagkat si Jennylyn, home-grown ‘yan. Product ‘yan ng Starstruck at ‘yan ang ‘pinagmamalaki natin -- na marunong tayo mag-discover at mag-develop ng mga napakagaling na mga artista.”

Pinuri ni Atty. Gozon ang passion at love for work ni Jen na labis-labis naman ang pasasalamat sa suporta sa kanya ng kanyang home network maging nang maging single mother siya.

“I feel so blessed and since then kasi GMA is my home so wala akong plano na umalis kasi I don’t see myself anywhere. Lalo sa tulong nila na ginawa sa career ko. I never expected to reach this far lalo na after ko manganak, so mahal ko talaga sila,” pahayag ng aktres.

“GMA will always be open to Jennylyn because this is her home,” pahayag naman ni Mr. Gilberto Duavit, Jr., ang Presidente and Chief Operating officer ng GMA. “We cannot imagine her anywhere else talaga.”

“We are so happy kasi finally Jennylyn is continuing her successful career growth here with us,” wika naman ni GMA Network Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong. “As we all know, siya ay isang discovery ng network. So masaya ako na we’ll be able to see her shine once more.”

Ayon sa GMA Senior Vice President for Entertainment TV na si Lilybeth Rasonable, “We have a couple of projects lined up for her and sa tamang panahon, ipamamalita natin ‘yan sa kanyang fans. But one thing is for sure, kaabang-abang ang mga ito.”

May soap opera at reality show na naka-line-up para kay Jen at magpapatuloy pa rin ang kanyang cooking show.

Walang kaduda-duda ang mataas na pagpapahala ng GMA Network kay Jennylyn, dahil bukod kina Atty. Gozon, Mr. Duavit, Mr. Yalong, at Ms. Rasonable, present din sa kanyang contract signing ang iba pang top guns ng GMA Films na sina President Annette Gozon, GMA Consultant of the Business Development Department II of Entertainment TV Marivin Arayata; GMA Vice President for Drama Redgie Magno; GMA Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz; GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Lara; GMA Assistant Vice President for Entertainment TV Darling de Jesus; GMA Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy at Senior Program Managers Charles Koo at Cathy Perez. (DINDO M. BALARES)