ONTARIO (AFP) – Sinabi ng BlackBerry noong Martes na buburahin na nito ang kanyang Classic smartphone na may physical keyboard bilang bahagi ng pagsisikap na gawing makabago ang lineup nito.
“The hardest part in letting go is accepting that change makes way for new and better experiences,” sabi ni BlackBerry chief operating officer Ralph Pini sa isang blog post. “We are updating our smartphone lineup with state-of-the-art devices.”
Ang BlackBerry Classic at ang iconic physical keyboard nito ay hindi na magiging bahagi ng product portfolio ng Canadian company, ayon kay Pini.
Nangako ang kumpanya na patuloy na susuportahan ang BlackBerry 10 mobile operating software ng mga update.