WASHINGTON (AP) – Sinabi ni President Barack Obama na ang kalayaan ay isang bagay na hindi basta na lamang nangyayari, kundi dapat na hubugin at depensahan sa bawat araw.

Ayon kay Obama, mahalaga na maalala ng mga tao ang “miracle” na tinatamasa ng Amerika sa ngayon at kung gaano sila kapalad na ipinaglaban ng mga naunang henerasyon ang kalayaan.

Nagsalita si Obama sa White House sa kanyang huling Fourth of July bilang pangulo, sandaling nagtalumpati sa harapan ng mga tao matapos mapilitang kanselahin ang taunang barbecue sa South Lawn para sa libu-libong militar, beterano at kanilang mga pamilya dahil sa ulan.

Ang July Fourth ay kaarawan din ng panganay na anak ni Obama na si Malia, na tumuntong sa edad na 18. Pinangunahan ni Obama ang audience sa pag-awit ng “Happy Birthday” para sa anak.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture