CABANATUAN CITY - Tatlong bangkay, na hinihinalang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija, nitong Linggo.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, unang nadiskubre ang labi ng isang hindi kilalang babae na nasa edad 50-56, habang lumulutang sa irrigation canal sa Barangay Agacano sa Guimba. Nakagapos ng electric wire ang mga paa nito, nababalutan ng packaging tape, at nakabalot ng plastic ang ulo.

Nakalagak ang labi ng babae sa Gamalinda Funeral Homes sa Bgy. Saranay sa Guimba.

Natagpuan din ang bangkay na nakilalang si Joanna Marie Mangilit y Ortiz, 26, ng Bgy. Poblacion, San Isidro, sa gitna ng bukid at may tama ng bala sa ulo. Sinabi ng pulisya na may nakabimbing kaso ng ilegal na droga si Mangilit.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nadiskubre rin ang labi ng isang Jude Elvis Esteban y Llagano, 24, binata, ng Bgy. M.S. Garcia, Cabanatua City, sa pagkakasubsob sa irrigation canal. (Light A. Nolasco)