Pinaboran ng Sandiganbayan ang magkahiwalay na mosyon na inihain ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo na humihiling na payagan itong makapagbakasyon sa Japan at Hong Kong sa huling linggo ng kasalukuyang buwan.

Sa ruling ng Fourth Division at Seventh Division ng anti-graft court, binigyan ng mga ito ng “go-signal” si Arroyo na magtungo sa Tokyo sa Hulyo 20-25, at sa Hong Kong sa Hulyo 25-28.

“Over the objection of the prosecution, the instant motion is hereby GRANTED, subject to the usual terms and conditions imposed by the Court,” ayon sa 7th Division ng anti-graft court.

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft sa Seventh Division kaugnay ng pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga second hand helicopter ng Philippine National Police (PNP) noong 2009, habang nakaupo pa bilang Pangulo ng bansa ang asawa nitong si incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Samantala, ang dating Punong Ehekutibo ay nahaharap naman sa kasong graft sa Sandiganbayan dahil naman sa umano’y iregularidad sa National Broadband Network (NBN) deal na aabot sa $329 million na pinasok nito sa Chinese company na ZTE Corporation noong 2007. (Rommel P. Tabbad)