Isa pang atletang dayuhan na may dugong Pinoy ang nagnanais na bitbitin ang bandila ng Pilipinas sa international competition ng Ice Skiing.
Hiniling ng pamilya ng 14-anyos na si Marco Imbang Umgeher, na ang ina na si Gemma ay nagmula sa Sebaste, Antique, na mabigyan siya ng pagkakataong sumabak sa torneo sa abroad sa ilalim ng bandila ng Pilipinas.
Kasalukuyang nasa bansa si Marco kasama ang Austrian na ama na si Hannes at ang nakatatandang kapatid na si Jessica upang makipag-usap sa pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).
“I want to be the first Filipino to play in an international skiing competitions and also the Olympic Games under the Filipino flag. We are here to formally seek the guidance and permission from the highest sports official for us to represent the Philippines in international tournaments,” pahayag ni Hannes.
Ang Fil-Austrian ay unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan sa napakadelikadong European winter sport sa pagwawagi sa national at international na torneo sa Austria.
Nais din ni Umgeher na irepresenta ang Pilipinas sa ginaganap na Winter Olympics katulad ng figure skater na si Michael Martinez.
Si Umgeher ay nagsimula na maging skier sa edad na lima at sumasabak sa Winter Olympic event na Slalom, Giant Slalom at Super-G. (Angie Oredo)