Makaraang pagtibayin ang kaso, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Mario Roño dahil sa paglabag sa Article 218 (Failure to Render Account) ng Revised Penal Code sa kabiguang ma-account ang kanyang cash advances na aabot sa P97,954.67.

Ang naturang pondo ay bahagi ng kanyang travel expenses sa China at Sweden noong Disyembre 1999 at Mayo 2000.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, lumabas na nagbigay lang si Roño ng full account sa kanyang travel expenses sa China noong Abril 2014, o 14 na taon matapos mag-lapse ang prescribed period para rito.

Gayundin, hindi pa naa-account ang P79,738 na ginastos naman ni Roño nang bumiyahe sa Sweden.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ilalim ng Commission on Audit (CoA) Circular No. 96-004, ang cash advances para sa travel expenses ay dapat na ipinali-liquidate agad ng opisyal sa loob ng 60 araw matapos siyang makabalik sa Pilipinas. (Jun Fabon)