Tinanggap ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza ang diyalogong inialok ng Abu Sayyaf Group (ASG) para sa posibleng pagpapalaya sa Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, na nananatiling bihag ng grupo sa Sulu.

Ngunit bagamat pumayag na makipag-usap, binigyang-diin ni Dureza na hindi siya makikipag-usap tungkol sa ransom.

“A certain Abu Rami sent word thru someone in Zamboanga that he wanted to talk to me. I was able to talk this morning with the go-between person and told her I was willing to receive his phone call anytime but made it clear that discussing ransom is out of the question,” sabi ni Dureza. “She told me he wanted to take up other matters. I agreed.”

Sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes, sinabi ni Muammar Askali, alyas Abu Rami, tagapagsalita ng Abu Sayyaf, na nais ng grupo na makipag-usap sa administrasyong Duterte, at partikular na binanggit si Dureza.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kung sakaling hindi magkasundo ang dalawang panig sa magiging pag-uusap, nagbabala ang ASG na hindi ito magdadalawang-isip na patayin si Sekkingstad, na isa sa apat na dinukot ng grupo mula sa Samal Island noong Setyembre 2015.

Hunyo 23 nang palayain ng ASG ang Pilipinang bihag na si Marites Flor, habang pareho namang pinugutan ang mga Canadian na sina John Ridsdel at Robert Hall. (Elena L. Aben)