Kenny copy

DALAWAMPU’T limang katao ang isinugod sa ospital at arestado naman ang iba pagkatapos ng concert ni Kenny Chesney sa Heinz Field sa Pittsburgh, Pennsylvania, nitong Sabado, ayon sa Associated Press.

Ayon sa city public safety spokeswoman na si Sonya Toler, 57, tumawag ng ambulansiya dakong 9:00 ng gabi upang dalhin ang dose-dosenang indibiduwal sa ospital sanhi ng intoxication o intoxication-related injuries.

Iniulat ng pulisya ang pagkakaaresto sa lima katao sa loob ng stadium — at kinasuhan ng public intoxication, trespassing, ticket robbery at assault –- at pinangalanan ang 36 na iba pang uminom ng alak ilang oras bago umakyat sa entablado ang singer sa concert na parte ng kanyang Spread the Love tour.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Pagkatapos ng insidente, ang fanbase ni Chesney, kilala bilang No Shoes Nation, ay nagpahayag sa Twitter ng kani-kanilang opinyon.

“Maddie how was the Kenny Chesney concert??” ayon kay Maddie DeLisio (@ayemadddie). (ET Online)