NAGBIGAY ng ultimatum ang bagong PNP chief na si Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs at protektor ng mga drug lord na sumuko na sa loob ng 48 oras. Kung hindi susunod at magpapatuloy sa kanilang ilegal na gawain ay mamamatay sila at mababago ang kanilang birthday; magiging Nobyembre 2. Sa kalendaryo ng Simbahan, ang ika-2 ng Nobyembre ay “All Soul’s Day” o Araw ng mga Kaluluwa.

Ang ultimatum sa mga police scalawag ay ipinahayag at ginawa ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa sa kanyang talumpati nang pormal na siyang italaga ni President Rody Duterte bilang bagong PNP chief. Pinalitan niya si Director General Ricardo Marquez na nagretiro noong Hunyo 28. Si Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang ika-21 hepe ng Philippine National Police (PNP). Ang pagtatalaga sa bagong hepe ng PNP ay dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, mga mambabatas at mga diplomat na idinaos sa PNP headquarters, sa Camp Crame, Quezon City.

Sa bahagi ng talumpati ng bagong PNP chief, binalaan niya ang mga mataas na opisyal ng PNP na huminto na sa pakikipag-ugnayan sa mga drug lord, sapagkat bilang na ang kanilang mga araw. Kung ‘di sila susuko at magpapatuloy sa pagiging coddler ng mga ito ay lalabanan sila ng PNP. Tinawag pa ni Dela Rosa na mga “Ninja” na ang mga tiwaling pulis sa Metro Manila o ang mga nagre-recycle ng droga. Ang babala ng bagong PNP chief ay batay na rin sa utos ni Pangulong Duterte na sugpuin at lutasin ang problema ng bansa na may kinalaman sa ilegal na droga, sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Maghihintay ang ating mga kababayan sa magiging resulta ng ibinigay na ultimatum ng bagong PNP chief sa mga tarantadong pulis lalo na ang mga sangkot sa illegal drugs at protektor ng mga drug lord. May matutuwa rin kapag may mga naipatumbang police scalawag tulad ng ginawang pagpapatumba sa mga suspected drug pusher, drug lord at user.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa talumpati naman ni Pangulong Duterte sa pagtatalaga sa bagong PNP chief, sinabi niyang hindi niya hahayaan ang mga pang-aabuso sa mga ahensiya ng pamahalaan kasama ang National Bureau of Investigation (NBI). Hiniling din na mas mabuti pang magbitiw na ang mga mataas na opisyal ng pulisya na sangkot sa kurapsiyon at illegal drugs dahil wala na silang kinabukasan sa pulisya. At sa matitinong pulis, sinabi ni Pangulong Duterte na asahan ng mga ito ang kanyang suporta. Itataya niya ang kanyang buhay at pagiging Pangulo ng bansa para proteksiyunan ang mga pulis na ginagawa ang kanilang mga tungkulin. Nangako pa ang Pangulo na dodoblehin niya ang suweldo ng mga ito at maging ang mga armas upang higit nilang malabanan ang krimen.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte: “Do not bullshit with me. But do your duty. I will die for you. Do your duty and if in process you kill 1,000 criminals, I will protect you”. Ang mga pulis ay hindi dapat mag-atubili na barilin ang mga suspek na lumalaban kapag sila’y inaaresto. At kapag lumalaban at malalagay sa panganib ang buhay ng mga pulis, ang utos ng Pangulo ay barilin at patayin na agad ang mga ito. (Clemen Bautista)