Isinailalim sa autopsy ang mga labi ni PBA player Gilbert Bulawan mula sa koponan ng Blackwater para masuri at matukoy ang tunay na dahilan ng kanyang pagpanaw.

Nawalan ng malay habang nag-eensayo ang 29-anyos na si Bulawan bago idineklarang dead-on-arrival sa Capitol Medical Center.

Sa inisyal na pagsusuri, atake sa puso ang ikinamatay ng pamosong forward na nagmula sa San Sebastian College.

Ito ang unang insidente ng pagkamatay ng isang PBA player sa ensayo o sa aktuwal na paglalaro sa liga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Halos pareho ang insidente kay dating PBA supertar Samboy Lim, ngunit naisalba ang buhay ng tinaguriang ‘Sky Walker’ matapos ang mahabang panahon ng pagiging comatose.

Kasalukuyan na itong nagpapagaling sa kanilang tahanan.

Ikinagulat ni Blackwater coach Leo Isaac ang kaganapan, higit at walang iniindang karamdaman o idinadaing na problema sa kalusugan si Bulawan.

“Maganda pinapakita n’ya, kundisyon na kundisyon,” sambit ng isang team official.