Napanatili ni Pinay boxer Gretchen Abaniel ang Women’s International Boxing Association (WIBA) at Global Boxing Union (GBU) world minimumweight title nang talunin sa 10-round unanimous decision ang dating walang talong si Petcharas Superchamp ng Thailand nitong Hulyo 2 sa Punchbowl, New South Wales, Australia.

Ginamit ni Abaniel ang kanyang mahabang karanasan para paglaruan lamang si Petcharas kaya kumbinsidong nanalo sa tatlong huradong Australian.

Napaganda ni Abaniel ang kanyang record sa 17-8-0, tampok ang anim na knockout, habang bumagsak ang karta ni Petcharat sa 6-1-0.

Muli namang nabigo si mandatory challenger Jonathan Taconing na maagaw ang WBC light flyweight title nang matalo sa 12-round unanimous decision sa kampeong si Ganigan Lopez sa kanilang sagupaan kamakalawa ng gabi sa Mexico City, Mexico.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“WBC light flyweight world champion Ganigan Lopez (27-6, 17 KOs) retained his title with a hard-fought twelve round unanimous decision over #1 rated Jonathan Taconing (22-2-1, 18 KOs) on Saturday night at the Arena Coliseo in Mexico City,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Both fighters had their moments in the fight, but Lopez prevailed by scores of 115-112, 118-109, 119-108. Taconing deducted a point for a headbutt in round eight.” (Gilbert Espeña)