Nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong kriminal ang isang tricycle driver matapos nito umanong manyakin ang isang Grade 3 pupil na kanyang regular na pasahero, sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon City, kamakailan.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal si Lamberto Santiago, ng Barangay Escopa 3, Project 4, sa Project 8 Police Station matapos akusahan ng panggagahasa sa isang walong taong gulang na mag-aaral na kanyang regular na sinusundo at inihahatid sa eskuwelahan.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Richard Fiesta na sinundo ni Santiago ang biktima sa Pura V. Kalaw Elementary School sa Barangay Milagrosa, dakong 2:10 ng hapon noong Hunyo 21.

At dahil bumuhos ang ulan nang mga oras na iyon, naantala ang paghahatid ni Santiago sa paslit sa bahay nito sa A. Luna Street sa Bgy. Bagumbuhay dahil inilipat pa niya ang biktima sa likuran ng driver’s seat mula sa kinauupuan nito sa sidecar, upang hindi umano mabasa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matapos ang ilang minuto, bigla umanong itinigil ni Santiago ang pedicab sa F. Castillo Street at biglang pinaghihimas ang maseselang bahagi ng katawan ng paslit.

Pinasok din umano ng suspek ang daliri nito sa ari ng bata, na nagsumbong sa kanyang ina.

Inaresto si Santiago ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit nitong Miyerkules matapos humingi ng tulong ang ina ng biktima sa pulisya. (Vanne Elaine P. Terrazola)