DUBAI, United Arab Emirates (AP) – Nagsagawa ng pag-atake ang isang suicide bomber kahapon ng umaga, malapit sa U.S. diplomatic site sa kanlurang bahagi ng Saudi sa Jeddah, ayon sa Interior Ministry.

Sinabi ng ministry na pinasabog ng suspek ang kanyang suicide vest matapos siyang lapitan ng security guard, malapit sa isang parking lot ng ospital.

Namatay ang suspek at dalawang security guard ang nagtamo ng minor injuries, ayon sa pahayag ng ministry, na inilabas ng state-run Saudi Press Agency. Ilan sa mga sasakyan sa parking lot ang napinsala.

Ayon kay Interior Ministry spokesman Maj. Gen. Mansour al-Turki, nakuha ng attacker ang atensiyon ng mga security guard, na nakapansin na kahina-hinalang kilos nito sa intersection na matatagpuan sa kanto ng U.S. Consulate sa Jeddah.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kinumpirma ng U.S. Embassy sa Saudi Arabia na walang sugatan sa mga consular staff. Patuloy naman na nakikipagtulungan ang embahada sa awtoridad ng Saudi para imbestigahan ang pag-atake.

Hindi pa tukoy kung sino ang may kagagawan sa pag-atake.