MATAGAL na ring nabaon sa limot ang grupo ng mga pulis Maynila na sumikat noong dekada ‘90 matapos bansagang mga “Ninja” sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa “lalim” nilang mag-operate laban sa mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

At ngayon nga’y muling naging bukambibig ang grupong ito, lalo na sa Camp Crame at mga istasyon ng pulisya sa buong Metro Manila, nito lang Biyernes, matapos na banggitin at bantaan ni CPNP Ronald “Bato” Dela Rosa na magbi-birthday sila sa Nobyembre 2, araw ng mga kaluluwa, kapag hindi tumigil at sumuko sa kanilang mga ilegal na gawain.

Nagsimulang mabanggit ang grupong Ninja sa kasalukuyang imbestigasyon ng isang bagitong pulis na nahulihan ng mga droga at nakumpiskahan ng P7milyon sa kanyang magarang bahay sa Sampaloc. Sinasabing ang pulis na ito ay bagong henerasyon ng nasabing grupo na eksperto sa pag-recycle ng mga nahuhuling ebidensiya.

Ang salitang “ninja” ay iniugnay noon sa grupo ng mga anti-narcotics operative ng Manila Police Department (MPD) na maraming accomplishment laban sa mga pusher. Dahil sa galing ng grupong ito, binansagan silang Ninja na hango sa katawagan ng mga dakilang mandirigmang Hapones na dalubhasa sa lahat ng uri ng pakikipaglaban.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapuri-puri sana ang mga accomplishment ng grupong Ninja, pero naging kapansin-pansin din ang biglaang pag-angat ng estado ng kanilang pamumuhay. Magagarang sasakyan at bahay, mamahaling alahas, bukod pa rito ang pagkahumaling sa mga bisyo: sugal, alak, at babae.

Mga karangyaang kaalinsabay nang matinding pagkapit sa ilang pulitiko, opisyal ng pamahalaan at mga opisyal ng PNP na nasa matataas na puwesto. Mga naging “bata” sila ng mga ito, pati na ng ilang corrupt na heneral, kaya’t lalong lumalim ang kanilang operasyon.

Dahil dito unti-unting sumingaw ang impormasyong may kinalaman sa mga illegal nilang gawain lalo na ang pagre-recycle nila ng mga kumpiskadong ebidensiya.

Dahil sa kontrobersiyang ito, pinaghiwa-hiwalay sila ng pumalit na pamunuan ng PNP, kaya napunta sila sa iba’t ibang distrito ng PNP sa ilalim ng noon ay National Capital Region Police Office (NCRPO). Dito na nanganak ang grupong “Ninja” – habang ‘yong ibang original na miyembro ay nanahimik pansamantala, naging aktibo naman ang mga naturuan nila at target na nga ngayon ng bagong pamunuan ng PNP, sa pangunguna ni CPNP Bato.

Contact: Globe: 09369953459 / Smart: 09195586950 / Sun: 09330465012 o ‘di kaya’y mag-email sa: [email protected]

(Dave M. Veridiano, E.E.)