Balik-aksiyon ang Philippine chess team sa paglahok sa 55th Boy’s-Open & 35th Girl’s World Junior Chess Championships sa Sports Complex ng KIIT University (dating Kalinga Institute of Industrial Technology) sa Bhubanesbar, Odisha, India sa Agosto 7-22.

Ipapadala ng National Chess Federation of the Philippines sa under-20 chessfest sina International Master Paulo Bersamina at National Master Jerad Docena, gayundin sina Woman IM Janelle Mae Frayna, at W FIDE Master Shania Mae Mendoza.

Mula sa 136 na players na sumabak may dalawang taon na ang nakalipas, tumapos ang 43rd seed na si Bersamina sa ika-36 na puwesto tangan ang 7.5 puntos at ika-101 ang 119th seed Candidate Master Marc Christian Nazario na may 5.5 puntos. Nasa ika-14th place sa girls event ang 23rd seed WIM Jan Jodilyn Fronda na may 9.0 marka; ika-19 ang 21st seed na si Frayna sa napuntos na 7.5 at ika-31 si 43rd seed WIM Marie Antoinette San Diego na may pitong puntos.

Nakataya sa kumpetisyon ang outright Grandmaster at Woman GM, IM at WIM titles at GM/WGM, IM/WIM norm, gold, silver at bronze medals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sina Bersamina, Frayna at Mendoza rin ang dapat kumatawan sa bansa noong Mayo sa Asian Junior Chess Championships 2016 sa New Delhi, India subalit nabulilyaso ang visa application.

Isang norm na lamang ang kailangan ni Frayna upang tanghalin itong kauna-unahang Pinay Grandmaster ng bansa, habang naghahangad din si Bersamina na masungkit ang kanyang unang GM norm. -Angie Oredo