CABANATUAN CITY - Limang katao ang napatay habang dalawa ang iniulat na nasugatan sa anim na magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija nitong Biyernes, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa bayan ng Talavera, patay agad ang isang mag-asawang rolling store owner makaraang tambangan ng hindi nakilalang salarin sa Nueva Ecija-Aurora Road sa Purok 3, Barangay Homestead 2 na sina Alvin Balinagay, 37;at Lea Balinagay, 33, kapwa residente ng Bgy. Bagong Sicat, habang patungo sa Cabanatuan City para mamili ng mga paninda, pasado 1:00 ng umaga.

Habang isang umano’y sangkot sa illegal drug trade, si Gilbert Dela Rosa, 32, binata, ng Purok Maligaya, Laur, Nueva Ecija, ang napatay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa M. De Leon Avenue sa Bgy. H. Concepcion.

Sumunod na pinagbabaril at napatay si Leonardo Narag, 46, ng Purok Agoso, Bgy. Pangatian, dakong 5:00 ng hapon habang nagpapagupit sa Smart Cut Barber Shop sa Purok Kanto, Bgy. Bangad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa bayan naman ng San Isidro napaslang si Eric Macaso, 39, fish vendor, ng Purok 5, Bgy. San Roque, na nirapido rin ng riding-in-tandem.

Nakaligtas naman sa kamatayan bagamat nasugatan sa bayan ng Jaen si Resty Lazaro, 43, driver, ng Bgy. Rajal Norte, Sta. Rosa, matapos pagbabarilin habang naghihintay ng masasakyang bus patungong Maynila. Love triangle ang sinasabing motibo sa krimen.

Riding-in-tandem din ang nagtangkang pumatay kay Lorenzo Dela Paz, 38, caretaker ng Pallarca Motorcycle Parts, dakong 8:00 ng gabi.

Sangkot umano si Dela Paz sa ilegal na droga, ayon sa pulisya. (Light A. Nolasco)