BAGHDAD (AFP) - Sinimulan kahapon ng Iraq ang tatlong araw na national mourning kaugnay ng pagkasawi ng nasa 120 katao sa sinasabing pinakamatinding pag-atake sa Baghdad ngayong taon, na inako na ng Islamic State.

Tinamaan ng pagsabog ang Karrada district nitong Linggo ng umaga, sa panahong matao sa lugar dahil sa selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan sa Miyerkules.

Nagdeklara si Prime Minister Haider al-Abadi ng tatlong araw na national mourning para sa mga biktima matapos niyang bisitahin ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog, at nangako na papanagutin ang mga may sala.

Ipinag-utos din niya ang pagbabago sa security measures sa Baghdad kasunod ng pambobomba, na ayon sa security officials ay pumatay sa 119 na katao at ikinasugat ng mahigit 180 iba pa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina