Terence Romeo (MB photo)
Terence Romeo (MB photo)

Ni Marivic Awitan

Hindi na sumabak sa scrimmage ang Gilas Pilipinas. Nagdesisyon na lamang si coach Tab Baldwin na ubusin ang kanilang panahon sa panonood ng mga nakalipas na laro ng Team France upang maging pamilyar sa kilos at diskarte ng liyamadong karibal.

Haharapin ng Gilas ang world No.5 France sa pagbubukas ng FIBA Manila Olympic Qualifying Tournament bukas, sa MOA Arena.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Today, it was just going over the sets,” pahayag ni Gabe Norwood sa panayam ng Spin.ph. “It was really not a detailed game plan yet. There’s some tendency of players and just going over some formation that they get into, just to prepare ourselves mentally right now and hit it hard tomorrow.

“So it’s good to have a relax day, but a mentally draining day than physically,” sambit ng Rain or Shine forward.

Mismong mga kasangga ni Norwood ang nagsabi na kailangan nilang ibigay lahat ng makakaya at higitan pa ng progresibong laro laban sa Turkey sa kanilang huling tune-up game nitong Biyernes.

Ayon kay naturalized center Andray Blacthe, hindi sila dapat makuntento sa naging malaking “improvement” na ipinakita nila sa laban kontra Turkey kung saan natalo sila ng walong puntos matapos ang naunang 35 puntos na kabiguan noong una silang magharap sa isang pocket tournament sa Europa, may ilang linggo na ang nakalilipas.

“The main goal is to win,” sambit ni Blatche.

“We’re starting to execute and trust each other better, but we still have to work harder to achieve that goal.” 

Muli, hiniling ni Blatche ang suporta ng sambayanan na itinuturing niyang “Sixth Man“ sa kampanya ng Gilas na makasikwat ng slot para sa Rio Olympics.

Huling nakapaglaro ang Pinoy sa Summer Games noong 1968 sa Mexico City.