Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan bilang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tiniyak ni retired Army Gen. Isidro Lapeñas na lilipulin niya ang sindikato ng droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Sa talumpati ng bagong PDEA chief, nanawagan din siya sa taumbayan, partikular sa mga opisyal ng barangay, na tumulong sa awtoridad upang malipol ang mga sangkot sa ilegal na droga—nagtutulak man o gumagamit lang.

Samantala, pinasalamatan ni dating PDEA Director General Arturo Cacdac ang mga empleyado at agent ng ahensiya dahil sa suportang ipinagkaloob nila sa kanyang panunungkulan.

Nangako si Lapeñas na mananatili ang magagandang layunin ng PDEA, lalo na ang pagpapatupad ng modernisasyon, pagsibak sa mga tiwaling tauhan, at walang humpay na kampanya laban sa ilegal droga.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 70 drug-sniffing dog ang PDEA na ginagamit sa pagsubaybay sa mga ipinagbabawal na droga lalo na sa mga paliparan at establisimyento, na karaniwang nagsasagawa ng transaksiyon ang mga drug syndicate.

Kaugnay nito, makatutulong ng PDEA ang PNP, NPA at mamamayan sa pagsugpo sa ilegal na droga at paghuli sa mga kilabot na drug lord sa bansa, ayon na rin sa pahayag ni Pangulong Duterte. - Jun Fabon