Harrison Barnes (AP photo)
Harrison Barnes (AP photo)
DALLAS (AP) — Inalok ng Mavericks si Harrison Barnes ng kontratang $95 million sa loob ng apat na taon. At bilang isang restricted agent, kailangang pantayan ito ng Golden State Warriors kung nais nilang mapanatili sa kanilang kampo ang 6-foot-8 forward.

Isiniwalat ng isang opisyal na ayaw magpabanggit ng pangalan sa Associated Press nitong Sabado (Linggo sa Manila) ang maximum contract offer sheet kay Barnes. Walang kontrata na malalagdaan bago ang Hulyo 7.

Aniya, ang pananatili sa Warriors ni Barnes ay depende sa magiging tugon ni Kevin Durant, isang unrestricted agent na kinakausap din ng Golden State.

Bukod sa Warriors, nakikipag-usap din ang four-time scoring champion at 2014 NBA MVP sa Thunder, Los Angeles Clippers, San Antonio, Boston at Miami.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa Los Angeles, nakipag-ayos na umano sa Lakers si veteran forward Luol Deng para sa apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $72 million.

Tangan ng 31-anyos na si Deng ang average 12.3 puntos at 6.0 rebound sa Miami sa nakalipas na season.

Sa Boston, isa nang ganap na Celtic Pride si Al Horford.

Sa kanyang mensahe sa Twitter, sinabi ni Horford ang pagpayag sa alok ng Celtics na nagkakahalaga ng $113 million sa loob ng apat na taon.

Samantala, Tulad ni Horford iniwan din ni Bismack Biyombo ang Atlanta nang tanggapin ang alok na patatagin ang frontcourt ng Orlando Magic kasama si Serge Ibaka.

Tatanggap si Biyombo ng $72 million sa loob ng apat na taon.

Sa iba pang report, itinaas ng NBA ang salary cap para sa taong 2016-17 sa $94.1 million kada koponan.

Umabot lamang sa $70 million ang cap sa nakalipas na season.