Pinatawan ng multa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tig-P50,000 ang mga bus company na Green Star Express, Inc. at LLI Bus Company, Inc. dahil sa hindi paglalaan ng upuan para sa mga person with disability (PWD).

Napag-alaman mula kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, na ang hindi pagbibigay ng upuan sa mga may kapansanang pasahero ay paglabag sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-001 para sa “No Designated Seats for the Physically Challenged Individual (PWD)”.

Maliban sa multa, pinagbabayad din ang mga nabanggit na kumpanya ng tig-P5,000 sa pagiging arogante ng driver at konduktor nito; at dagdag na P5,000 sa diskriminasyon sa pasahero.

Ang hakbangin ng LTFRB ay bilang tugon sa reklamo sa ahensiya ng isang polio victim na hindi nakaupo sa itinalagang PWD seat.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon sa complainant, hindi siya pinansin ng konduktor at hindi man lamang nabigyan ng upuan kahit na naipakita na niya rito ang kanyang PWD ID. Sa pagkadismaya ng complainant, nag-video siya sa matitipunong lalaki na nangakaupo sa upuang para sa gaya niyang may kapansanan.

Bitbit ng complainant ang nasabing video nang magreklamo siya sa LTFRB. - Jun Fabon