Inihayag ng pamunuan ng United States (US) Embassy sa Maynila na sarado sa publiko ang kanilang tanggapan bukas, Hulyo 4.

Ito ay upang bigyang-daan ang paggunita sa ika-240 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Amerika.

Bukod sa US Embassy sa Maynila, sarado rin ang mga affiliated office nito.

Inaasahan na muling magbubukas ang nasabing tanggapan sa Martes, Hulyo 5. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter